Sabado, Oktubre 29, 2022

Sa ika-29 anibersaryo ng pagkakatatag ng Sanlakas


𝐍𝐠𝐚𝐲𝐨𝐧𝐠 𝐚𝐫𝐚𝐰, 𝐠𝐢𝐧𝐮𝐠𝐮𝐧𝐢𝐭𝐚 𝐧𝐚𝐭𝐢𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐢𝐤𝐚-𝟐𝟗 𝐚𝐧𝐢𝐛𝐞𝐫𝐬𝐚𝐫𝐲𝐨 𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐠𝐤𝐚𝐤𝐚𝐭𝐚𝐭𝐚𝐠 𝐧𝐠 𝐒𝐚𝐧𝐥𝐚𝐤𝐚𝐬.

Halos tatlong dekada na mula nung ipinundar natin ang malawak na pagkakaisa sa pananaw at pagkilos para sa malaya at makataong lipunan. Nananatili pa rin ang mga hamon para makamit ang ating kolektibong hangarin. 

Sa pananalasa ng bagyong Paeng, pinapaalala sa atin ang realidad ng krisis sa klima sa gitna ng nagsasalimbayang krisis sa ekonomiya, pandemya at paglubha ng di pagkakapantay-pantay (Inequality). Pinapaalala sa atin na ngayon higit kailanman, katulad ng layunin ng pagtatayo ng ating samahan, kailangan ang mahigpit na pagtangan sa ating mga paninindigan at laban para sa ganap na panlipunang pagbabago.

𝐏𝐚𝐠𝐛𝐚𝐭𝐢 𝐬𝐚 𝐛𝐮𝐨𝐧𝐠 𝐤𝐚𝐬𝐚𝐩𝐢𝐚𝐧! 
𝐌𝐚𝐛𝐮𝐡𝐚𝐲 𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐦𝐚𝐦𝐚𝐲𝐚𝐧𝐠 𝐥𝐮𝐦𝐚𝐥𝐚𝐛𝐚𝐧! 
𝐓𝐮𝐥𝐨𝐲 𝐚𝐧𝐠 𝐥𝐚𝐛𝐚𝐧!

Linggo, Oktubre 16, 2022

Police, hands off journalists!

𝐏𝐨𝐥𝐢𝐜𝐞, 𝐡𝐚𝐧𝐝𝐬 𝐨𝐟𝐟 𝐣𝐨𝐮𝐫𝐧𝐚𝐥𝐢𝐬𝐭𝐬!

Ang daming time gumala pero wala sa pagresolba ng mga pagpaslang sa media.

Instead of going door-to-door in the fashion of tokhang, the best way for the police to address the threats and assuage the fear enveloping the media community from the continuing attacks against those in the profession is to bring the perpetrators to justice. In the last 3 decdes, close to 200 journalists have been killed in the Philippines making it one of the world's dangerous places for journalists, yet justice remains elusive for many of these cases with the assailants roaming scot-free.

Police, hands off journalists!

Pahayag sa Pandaigdigang Araw ng Pagkain

𝗣𝗮𝗵𝗮𝘆𝗮𝗴 𝘀𝗮 𝗣𝗮𝗻𝗱𝗮𝗶𝗴𝗱𝗶𝗴𝗮𝗻𝗴 𝗔𝗿𝗮𝘄 𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗴𝗸𝗮𝗶𝗻

𝗛𝗔𝗥𝗔𝗣𝗜𝗡 𝗮𝗻𝗴 𝗞𝗥𝗜𝗦𝗜𝗦 𝘀𝗮 𝗣𝗔𝗚𝗞𝗔𝗜𝗡!

𝗜𝗕𝗔𝗦𝗨𝗥𝗔 𝗮𝗻𝗴 𝗟𝗜𝗕𝗘𝗥𝗔𝗟𝗜𝗦𝗔𝗦𝗬𝗢𝗡 𝗻𝗴 𝗔𝗚𝗥𝗜𝗞𝗨𝗟𝗧𝗨𝗥𝗔!

𝗜𝗧𝗔𝗚𝗨𝗬𝗢𝗗 𝗮𝗻𝗴 𝗞𝗔𝗦𝗔𝗥𝗜𝗡𝗟𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗚𝗞𝗔𝗜𝗡!

Sa paggunita ng Pandaigdigang Araw ng Pagkain walang dapat ipagdiwang ang mga Pilipino kasama ang mahigit na 2 bilyong mamamayang dumaranas ng pagkagutom sa daigdig. Pangamba sa kinabukasan ang kinakaharap natin sa pagkain sa kasalukuyan. Mismo ang United Nation World Food Program ay nagsasabing limampu’t tatlong (53) bansa o teritoryo sa daigdig ngayon ang kumakaharap sa matinding kasalatan sa pagkain. Ang kalagayan ng pagkain ngayong 2022 ay itinuturing na pinakamalalang ulat sa  kakapusan ng pagkain sa tatlong taong pag-uulat nito simula noong 2019. Bunsod ang kasalukuyang kalagayan ng magkakapatong na krisis na hatid ng mga kaguluhan, pang-ekonomyang krisis at matitinding kalamidad.

Ang krisis sa pagkain sa kasalukuyan ay isinasalarawan ng matinding pagtaas sa presyo ng mga pangunahing pagkain sa daigdig. Ayon sa World Bank, ang presyo ng trigo (wheat), mais (maize) at bigas (rice) ay walang kasingkatulad ang itinaas simula noong nakaraang taon. Ang mga nabanggit na produkto ay tumaas ng 20% (trigo), 28% (mais) at 8% (bigas) kumpara sa presyo nito noong Septyembre 2021 at tumaas naman ito sa 30% (trigo), 33% (mais) at 12% (bigas) kung ikukumpara naman sa presyo nito sa pandaigdigan noong Enero 2021. Sa pagtaas na ito ng mga pangunahing pagkaing kalakal hindi kata-taka kung bakit sumisirit din ang presyo ng tinapay, manok, karne, gulay at bigas sa mga pamilihan.

Sa unang SONA ni Pangulong Marcos Jr., makailang ulit nya itong binanggit at siyang dahilan kung bakit tinanganan nito ang pagiging Kalihim ng Agrikultura. Ngunit nakalulungkot sa kanyang 100-araw sa panunungkulan kapwa bilang Pangulo at Kalihim ng Kagarawan sa Agrikultura ay hindi natin nakita ang kaseryosohan nitong harapin ang problema sa produksyon ng pagkain sa bansa at maging sa sumisirit na presyo ng pagkain sa kasalukuyan. Sa pinakahuling datos ng Philippines Statistics Authority (PSA) ang kasalukuyang inflation sa bansa ay patuloy na sumisirit. Mula sa inflation rate noong June 2022 na 6.1% ngayong Septyemre ay sumirit na ito sa 6.9%. Ang presyo ng pagkain ang isa sa may pinakamalaking itinaas ang presyo sa kasalukuyan. Mula sa 6% food inflation noong June 2022, tumaas pa lalo ito sa 7.9% food inflation sa kasalukuyan. Taliwas sa mga ipinagyayabang ng mga matatalinong ekonomista ng rehimeng Marcos Jr., malayo pa sa paghupa ang pinapasan nating kalbaryo ng kahirapan at mataas na presyo ng pagkain sa madaling hinaharap. 

Sa kabila ng ganitong kalagayan usad-pagong naman ang ayudang dapat ibigay sa mga lumilikha ng pagkain sa bansa. Ang P5,000 subsidyo sa bigas at P5,000 fuel subsidy para sa mga mangingisda ay hindi pa lubos na naipapamahagi sa mga maliliit na magsasaka at artisanong mangingisda sa bansa. Masaklap, pirmis pa rin ang rehimeng Marcos Jr. sa business-as-usual at palpak na neoliberal na istratehiya sa pagpapaunlad ng agrikultura at pagtitiyak sa seguridad sa pagkain.

Ang Liberalisasyon at Neoliberal na Patakaran ang SALOT sa Agrikultura at UGAT ng kakulangan ng pagkain sa bansa.

Bubulaga sa ating mga mukha at malulugmok sa matinding gutom ang ating bansa dahil patuloy na isinasandig ng gobyerno ang direksyon ng ating lokal na agrikultura sa mismong dahilan ng kanyang pagkalugmok at paghihingalo. Ang pagsandig ng gobyerno sa liberalisasyon ng agrikultura na siyang pumatay sa ating lokal na sakahan at pangisdaan ay siya ring inaasahan ng kasalukuyang gobyerno na magsasalba sa ating sa krisis sa pagkain. Malaking kahangalan ito. Hindi masusolusyunan ng liberalisasyon ang kasalatan natin at mataas na presyo ng pagkain dahil sa pandaigdigang pamilihan mismo ay sumisirit ang presyo ng pagkain. Kaya’t paano magagawang mura ang presyo ng pagkain kung ang mismong aangkatin nito ay abot-langit na ang halaga? Isama pa ang kasalukuyang pagbagsak ng piso laban sa dolyar na lalong magpapataas sa presyo ng pagkain, isang hangal lamang ang maniniwala na magagawa ng liberalisasyon – ng importasyon ng pagkain agrikultural, na mapababa ang presyo ng pagkain sa kasalukuyan. Kungnoong walang krisis ay hindi nagawa ng liberalisasyon na pababain at gawing mura ang pagkain at ang tanging napala natin ay ang pagkawasak ng ating sariling lokal na agrikulturang hindi makasabay sa kumpetisyon ng dumadagsang imported na subsidized na pagkain, ngayon pa kaya na ang buong daigdig ay nasa krisis sa pagkain.

Ang tunay na solusyon ay nasa direksyon ng KASARINLAN sa PAGKAIN at PAGKALINGA sa ating LOKAL na AGRIKULTURA. 

Kung seryoso ang rehimeng Marcos Jr. na isalba ang bansa sa nagbabadyang krisis sa pagkain. Hindi liberalisasyon at iba pang Neoliberal na patakaran ang dapat tahakin ng agrikultura at bansa sa kasalukuyan. Sa halip, KASARINLAN sa PAGKAIN at TODO-TODONG suporta sa lokal na agrikultura laluna sa mga maliliit na magsasaka at artisanal na mangingisda ang dapat na unahin ng gobyerno sa halip na interes ng mga dambuhalang korporasyon.

###

𝙄𝙩𝙤 𝙖𝙮 𝙨𝙖𝙢𝙖-𝙨𝙖𝙢𝙖𝙣𝙜 𝙥𝙖𝙝𝙖𝙮𝙖𝙜 𝙣𝙜 𝘼𝙣𝙞𝙗𝙖𝙣 𝙣𝙜 𝙈𝙖𝙣𝙜𝙜𝙖𝙜𝙖𝙬𝙖 𝙨𝙖 𝘼𝙜𝙧𝙞𝙠𝙪𝙡𝙩𝙪𝙧𝙖 (𝘼𝙈𝘼), 𝘽𝙪𝙠𝙡𝙪𝙧𝙖𝙣 𝙣𝙜 𝙈𝙖𝙣𝙜𝙜𝙖𝙜𝙖𝙬𝙖𝙣𝙜 𝙋𝙞𝙡𝙞𝙥𝙞𝙣𝙤 (𝘽𝙈𝙋), 𝙎𝙖𝙣𝙡𝙖𝙠𝙖𝙨 𝙖𝙩 𝙋𝙖𝙧𝙩𝙞𝙙𝙤 𝙇𝙖𝙠𝙖𝙨 𝙣𝙜 𝙈𝙖𝙨𝙖 (𝙋𝙇𝙈) 𝙣𝙜𝙖𝙮𝙤𝙣𝙜 𝙋𝙖𝙣𝙙𝙖𝙞𝙜𝙙𝙞𝙜𝙖𝙣𝙜 𝘼𝙧𝙖𝙬 𝙣𝙜 𝙋𝙖𝙜𝙠𝙖𝙞𝙣.

Biyernes, Oktubre 14, 2022

Red-tagging is not a part of democracy, but the hallmark of tyrannt and state terrorism


𝐑𝐞𝐝-𝐭𝐚𝐠𝐠𝐢𝐧𝐠 𝐢𝐬 𝐧𝐨𝐭 𝐚 𝐩𝐚𝐫𝐭 𝐨𝐟 𝐝𝐞𝐦𝐨𝐜𝐫𝐚𝐜𝐲, 𝐛𝐮𝐭 𝐭𝐡𝐞 𝐡𝐚𝐥𝐥𝐦𝐚𝐫𝐤 𝐨𝐟 𝐭𝐲𝐫𝐚𝐧𝐧𝐲 𝐚𝐧𝐝 𝐬𝐭𝐚𝐭𝐞 𝐭𝐞𝐫𝐫𝐨𝐫𝐢𝐬𝐦.

In a democracy, free exchange of ideas and discourse, and criticism are guaranteed and protected regardless of sex, creed or political conviction. For the Government through its Justice Secretary to justify the villification of critics and progressives by resorting to the Cold War-era communist bogey is to sanction reprisals for speech and activism critical of government. Red-tagging is state-sanctioned repression intended to silence dissent in the face of growing Government ineptitude to address the multiple crises plaguing the country.

Huwebes, Oktubre 13, 2022

Krisis sa utang, tugunan! Paglobo ng utang, labanan!

Pahayag ng Sanlakas
October 13, 2022

Krisis sa utang, tugunan!
Paglobo ng utang, labanan!

Ayon sa datos ng Department of Finance (DOF), dumoble ang utang ng Pilipinas mula P4.53T noong 2013 hanggang P10.28T noong 2021. Mula sa datos na ito, umabot ng mahigit P5T ang utang ng bansa noong taong 2016 o pagkatapos ng termino ni Pangulong Benigno Aquino, III. Higit doble naman ang itinaas nito o umabot sa P12.7T nung matapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte. 

Sa pinakahuling datos ng Bureau of Treasury nitong taon, umabot na sa mahigit P13T ang utang ng bansa. Sa ganitong kalagayan, hindi malayong abutin ang P14.63T na utang sa katapusan ng 2023 o katumbas ng mahigit 62% ng kabuuang kita ng bansa ayon sa pagtaya ng DOF.

Wala pang apat na buwan sa pwesto si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., inanunsyo nito ang pag-utang ng aabot sa $2B o P116B mula sa huling biyahe nito sa Estados Unidos. 

Bagaman kalakhan ng mga utang ng bansa ay domestic ang katangian, hindi nito binabago ang katangiang ito’y babayaran ng taumbayan sa pamamagitan ng mga ipinapataw na buwis katulad ng Value Added Tax (VAT). At dahil patuloy ang paglobo ng utang ng bansa, hindi malayong magpanukala ng mga bagong buwis upang makalikom ng pambayad utang kasama na dito ang dati nang nakaambang pagpapalawig ng VAT mula 12% hanggang 15%. Mas kiling ang pamahalaan sa ganitong panukala kaysa magpataw ng wealth tax sa mga bilyonaryo.

Bakit problema ang lumulubong utang ng Pilipinas? Sa kabuuang kita ng bansa para sa taong 2022, mahigit kalahati dito ay bayad-utang. Sa bawat pisong nilalaan sa pagbabayad utang ay pisong ipinagkait sa mga mahahalagang panlipunang serbisyo tulad ng edukasyon, kalusugan o pabahay.

Sa gitna ng mga nagsasabayang krisis sa ekonomiya, kalusugan at klima, hindi makatarungan na unahin ang pagbayad sa utang habang milyon-milyon ng mga mamamayan ang lugmok sa kahirapan at gutom.

Kasama na sa mga utang na mga binabayaran taun-taon o bayad na ay mga inutang ng pamahalaan na hindi napakinabangan ng taumbayan o ilihitimong utang kasama na ang mga utang pa sa panahon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos, Sr. na ninakaw ng kanyang pamilya at cronies o para sa mga proyektong walang silbi tulad ng Bataan Nuclear Power Plant BNPP).

Sa kabila ng kakapusan sa pondo para ipatupad ang mga mahahalagang programa na tutugon sa pangangailangan ng mamamayan, awtomatik pa rin na binabayaran ang utang sa bisa ng Presidential Decree 1177 o Automatic Appropriations Law ni Marcos, Sr. Imbes na ibasura ang PD 1177 matapos mapatalsik si Marcos, Sr., pinagtibay pa ito sa ilalim ng Revised Administrative Code ni dating Pangulong Corazon Aquino.

Nagpuputukan ang krisis sa utang sa mga bansang tulad ng Pakistan, Zambia at Sri Lanka, ang huli ay tuluyan nang nagdeklarang hindi na kayang bayaran ang utang. Ang epekto ng krisis sa utang ay ang pagkawala ng kakayahan ng pamahalaan na magbigay at magpatupad ng mga pampublikong serbisyo, pagbulusok ng halaga ng pera, pagsirit  ng presyo ng bilihin at paglaganap ng tanggalan sa trabaho.

Kung magpapatuloy ang paglobo ng utang ng bansa habang paliit nang paliit ang halaga ng piso at kawalan ng rekurso sa pagbayad, nagbabadyang masadlak sa krisis  sa utang ang Pilipinas.

Ilihitimong utang, huwag bayaran!
Debt audit, ikasa!
Pagpapalawit ng VAT, labanan!
Wealth tax sa mga bilyonaryo, ipasa!