Sigaw sa Mendiola at Luneta: Pork Abolition, Hindi Term Extension at ChaCha!
Agosto 25, 2014 - Madaling araw pa lang ng Lunes ay nasa Mendiola na ang mga kasapi ng SANLAKAS, Bukluran ng Manggagawang Pilipino, Kongreso ng Pagkakaisa ng mga Maralita ng Lungsod (KPML), Metro Manila Vendors Alliance (MMVA), Zone One Tondo Organization (ZOTO), Piglas-Kabataan, at Teatro Proletaryo. Bandang ikapito ng umaga ay dumating naman ang Partido Lakas ng Masa (PLM), UP KAISA, at iba pa.
Sa saliw ng ChaCha, at ng awiting "Kung alam mo lang, Bayan" (rendisyon ng awiting "Kung Alam Mo Lang, Violy" ni Gary Granada), nagsayaw ang mga kasapi ng Teatro Proletaryo sa Mendiola, bandang ikaanim ng umaga. Ito'y bahagi ng kanilang protesta laban sa pork barrel at term extension na balak ni Pangulong Noynoy Aquino kaya nais nitong magkaroon ng ChaCha o Charter Change.
Bandang ikasiyam ng umaga ay nagmartsa na sila patungo sa Quirino Grandstand upang makiisa sa mas malawak na pagtitipon ng sambayanan. Idinaos sa Luneta ang aktibidad na "Stand Up! Sign Up!" o "Manindigan at Lumagda" laban sa pakanang term extension ng pamahalaang Aquino.
Ulat at mga litrato ni Greg Bituin Jr.