Mayo 8, 2014 - Muling sumama ang Sanlakas sa malawakang pagkilos ng
Philippine Movement for Climate Justice (PMCJ) sa makasaysayang tulay ng
Mendiola kaninang umaga. Ang araw na ito ang ikaanim (ika-6) na buwang
anibersaryo ng pagdaluyong ng Yolanda, na sumalanta sa lalawigan ng
Leyte at Samar.
Sumama rin dito ang iba't ibang grupo, tulad ng Kongreso ng Pagkakaisa ng Maralitang Lungsod (KPML), Alyansa Tigil Mina (ATM), Partido ng Manggagawa (PM), KILUSAN at SENTRO. Dumating din sa Mendiola ang grupong Teachers Dignity Coalition sa kanilang Protest de Mayo upang hingin naman sa pamahalaan ang kanilang dagdag-sahod na across-the-board, at ginamit na rin ang truck na ginawang entablado ng PMCJ, matapos ang programa ng mga ito.
Ulat at mga litrato ni Greg Bituin Jr.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento