Marso 12, 2014 - Nagrali ang grupong Sanlakas sa harapan ng tanggapan ng Philex Mining Corporation sa #27 Brixton St., Brgy, Capitolio, Pasig City upang kondenahin ang 19 na taon ng disgrasya sa mamamayan dulot ng walang habas na pagmimina. Ipinahayag pa ng Sanlakas, kasama ang Alyansa Tigil Mina (ATM), na dapat magkaroon ng katarungan ang mga biktima ng malawakang pagmimina at dapat nang palitan ang RA 7942 o Mining Act of 1995, at palitan ito ng AMMB (Alternative Mineral Resources Bill) na nakasalang ngayon sa Kongreso. (Ulat at litrato ni Greg Bituin Jr.)

Huwebes, Marso 13, 2014
Sabado, Marso 1, 2014
Ta Run Tado, QRF at LTFRB and Florida Bus, with Fr. Robert Reyes
QRF at LTFRB and Florida Bus, with Fr. Robert Reyes
re: Ta Run Tado, Feb. 28, 2014, from 10 am-11am
Nagsagawa ng maikling kilos-protesta ang grupong SANLAKAS, kasama si Fr. Robert Reyes, hinggil sa isyu ng Florida bus tragedy, sa harapan ng gate ng tanggapan ng LTFRB (Land Transportation Franchising and Regulatory Board). Tinawag nila itong TA RUN TADO, na ibig sabihin ay Tara na, Run for TADO. Mula sa LTFRB ay dinaanan din nila at nagsalita si Fr. Robert sa Victory Liner sa EDSA, at sa JAC Liner. Ipinahayag ni Fr. Robert na sana'y pangalagaan ng mga naturang bus ang mga pasahero nito, at huwag sanang matulad sa nangyari sa Florida bus. Nagtapos ang kanilang programa sa harapan ng sarado nang terminal ng Florida Bus sa EDSA. (Ulat at mga litratong kuha ni Greg Bituin Jr.)
Miyerkules, Pebrero 12, 2014
SANLAKAS Tribute in Honor of Comrade Tado: We Shall Carry On!

(SANLAKAS Tribute in Honor of Comrade Tado)
Life begins at the mountains. This was Comrade Tado’s figurative pitch declaring his latest adventure to celebrate 40 years of existence; a project that sought to unravel the real situation of forty of the country’s mountains amidst the onslaught of development aggression.
Such was Tado – always the creative soul. Even to the very last.
In his youth, Tado was actively involved in the progressive movement impressing progressive politics on his cultural work – one whose central task was to speak liberation and provoke reflection through the arts. His looks betrayed the depth of his own view of the world and the reading of objective conditions at play. But this was what defined him – his ability to articulate social realisms in the most mundane of manner, in non-sequitors and in playful jest.
He was a comic relief that reminded us of the miseries of the world and that despite the seeming insurmountable plague of poverty, alienation and oppression, hope abounds. He was a walking critique of those who professed comedy, as his own brand taught us to throw a hard look at the difficult realities of life.
Even as he ventured into show business, he held on to his political convictions mouthing ideas that taunted the prevailing system. He communed with the masses using his own star as a platform to influence, to engage and to instill inspiration. This was what set him apart from the wannabes – his recognition of the need to BE with the masses in their pursuits.
Tado was not a stranger to the social movement. He made it a point to be right in the center of the action, in the orbit of the burning issues of the day. Closest to his heart was the working class struggle for a dignified life, freed of the shackles of capitalist domination.
For this, Tado will be known as the working people’s star. He was a revolutionary.
His death is a big loss for a grieving movement, a revolution that has lost scores of its best and brightest daughters and sons.
It is painful to lose a comrade. It pains us even more to see how even after his death the world is deprived of the real picture of a man, of a revolutionary that was Tado.
We honor Tado by ensuring his memory will not wither and be shamed by oblivion. We honor Tado by carrying on. Whether it be in the concrete jungles of Marikina where he sought his people's favor or in the hinterlands of Mt. Province where death snatched him.
Let us revel in the thought that once there was a Tado who tried to teach us how to live.
That his example will not fade into the dying light.
That we shall carry on.
02-11-14
Huwebes, Enero 16, 2014
Sabado, Nobyembre 30, 2013
Mensahe sa ika-150 Kaarawan ni Gat Andres Bonifacio
Sa ika-150 taon ng kapanganakan ni Gat Andres Bonifacio:
MAY PAG-ASA
Laban sa Inutil na Pangulo at Palpak na Elitistang Gobyerno
MAYPAGASA. Ito ang alyas o koda noon ni Andres Bonifacio, supremo ng Katipunan at lider-manggagawang namuno sa laban ng bayan sa kolonyalismong Espanyol.
Isa’t kalahating siglo na mula nang isilang si “Maypag-asa” – ang dapat tanghaling unang pangulo ng republika ng Pilipinas. Ngunit napapanahon pa ring tanungin ng bawat Pilipino: “May pag-asa pa ba ang ating Inang Bayan”?
Makabuluhan ang tanong na ito laluna sa panahong tayo ay humaharap sa kaliwa’t kanang mga pagsubok bunga ng kalamidad at mga kontrobersyang pampulitika. Laluna sa yugtong ito na tila nalulukuban ang buong bansa ng kawalang pag-asa.
Tahasan nating idinedeklara: “May pag-asa pa!” Subalit hindi ito grasyang magmumula “sa itaas”. Hindi ito manggagaling sa mga elitistang may-kontrol sa ating ekonomiya’t pulitika. Hindi magsisimula sa matataas na mga opisyal ng gobyerno na sinasamantala ang mismong kahirapan at pagdarahop ng masang Pilipino.
Bakit? Dahil sa sumusunod na kadahilanan:

Ang gobyernong Aquino ay para sa kontraktwalisasyon. Sa kaso ng kontraktwalisasyon sa Philippine Airlines nang tangkain ni Lucio Tan (dating may-ari ng PAL) na alisin ang mga regular at palitan sila ng mga kontraktwal na empleyado sa pamamagitan ng outsourcing ng ilang departamento ng kompanya, kumampi ang Malakanyang sa katuwiran ni Tan. Gumawa ito ng bagong kategoryang “core” at “non-core” na hindi nakasaad sa Labor Code.
Ang gobyernong Aquino ay para sa demolisyon ng komunidad ng mga maralita. Walang habas ang demolisyon sa mga “informal settlers” sa mga punong lungsod. Diumano, ito ay para daw iligtas sila sa mga “danger zone”. Subalit mas masahol naman ang kanilang nililipatan sa mga relokasyon sapagkat bukod sa wala o kulang sa batayang mga serbisyo ay malayo pa sa kanilang mga trabaho. Ang mas hinahabol ng gobyerno ay pagwawalis sa mga maralita upang tumaas ang land value sa lungsod para sa mga real estate developer gaya nina Henry Sy, Zobel de Ayala, mga Gokongwei, Lucio Tan at Andrew Tan.
Ang gobyernong Aquino ay para sa mataas na presyo ng langis. Nang uminit ang protesta laban sa oil deregulation kasabay ng pagsirit ng presyo ng krudo sa $100 kada bariles noong 2012, nagpatawag ng rebyu ang Department of Energy. Pero imbes na aralin kung paano manunumbalik sa “regulated oil industry”, tutuklasin pa raw ang epekto ng deregulasyon sa presyo ng langis. Bagamat maliwanag pa sa sikat ng araw na ang kawalang kontrol sa presyo ang siyang dahilan ng walang tigil na pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo! Ang totoo, mas pinapaboran ng gobyerno ang mahal na presyo ng langis sapagkat mas tumataas din ang kanilang nakokolektang VAT bunga ng pagtaas nito!
Ang gobyernong Aquino ay para sa mataas na singil sa serbisyo publiko. Hindi pinipigilan ang pribatisasyon ng mga dating sineserbisyo ng gobyerno gaya ng kalusugan, edukasyon, pabahay, pangmasang transportasyon gaya ng tren, atbp. Pinalitan lamang ng pangalan – tinaguriang private-public partnership (PPP) – ngunit iisa ang resulta: pagtutubuan ng mga kapitalista ang serbisyong panlipunan. Ilang halimbawa ng epekto nito ay ang napipintong pagtaas sa pasahe ng LRT at MRT, pagtataas sa toll fee sa NLEX, SLEX at iba pang tollway, at pagsasapribado ng mga pampublikong ospital.
Ang gobyernong Aquino ay para sa malalaking kapitalista. Sa nakaraang SONA, ipinagmalaki ni Noynoy ang “inclusive growth”. Aniya ang nais raw ng rehimen ay pag-unlad na para sa lahat ng Pilipino. Subalit sino lamang ang nakinabang sa ipinagmamalaking GNP/GDP growth? Ang pinakamayamang 40 pamilya na lumago ang yaman ng 37.9% noong 2011.
Ang gobyernong Aquino ay para sa political dynasty. Ang mismong pangulo ay nagmula sa pampulitikang angkan. Ito ang mga pamilyang nagpapasasa sa kaban ng bayan at hindi inuuna ang kapakanan ng nakararami at ang totoong pambansang pag-unlad. Hanggang ngayon, hindi pa rin naisasabatas ang enabling law sa Konstitusyonal na probisyon laban sa mga political dynasty.
Ang gobyernong Aquino ay para sa pork barrel. Naluklok sa poder si Noynoy at partido Liberal sa islogang “kung walang korap, walang mahirap” at “daang matuwid”. Pero hindi niya tinanggal (bagkus ay dinoble pa nga!) ang PDAF ng mambabatas na matagal nang pinupuna bilang isa sa mga mekanismo ng korapsyon sa bansa. Bukod sa PDAF, mayroong P1.3 Trilyon na presidential pork na ginagamit – hindi sa lahatang-panig na pag-unlad – kundi sa pagpapanatili ng “utang na loob” ng mga lokal na opisyal at kanilang mga botante.
AT HIGIT SA LAHAT, ang gobyernong Aquino ay palpak sa pagtulong sa mga nasalanta ng kalamidad. Ang sunod-sunod na kalamidad sa Visayas – mula sa lindol hanggang sa kamakailan lang na bagyong Yolanda – ang nagbulgar sa kapalpakan ng elitistang paghahari. Lumipas muna ang isang linggo bago opisyal na nasimulan ang pag-ayuda ng gobyerno sa Leyte’t Samar, partikular sa Tacloban. Ito ang INUTIL na administrasyong mas inuuna ang imahe bago ang pagtulong sa taumbayan. Hanggang ngayon, maraming lugar pa rin ang hindi nakakatanggap ng tulong mula sa gobyerno.
Kung wala sa inutil na pangulo at elitistang gobyerno, nasaan matatagpuan ang pag-asa ng bayan? Nasa taumbayan mismo. Nasa ating sama-samang pagkilos. Nasa ating kapatiran at pagdadamayan. Nasa ating pagkakaisa’t paglaban. Makikita ito sa pagtulong ng milyon-milyong ordinaryong mamamayang hindi na naghintay sa anumang anunsyo ng gobyerno ngunit agad na tumulong sa mga nasalanta ng nakaraang mga sakuna.
Mas pa, sapagkat ang sama-samang pagkilos “mula sa ibaba” ay nagkamit, kamakailan lang, ng sumusunod na mga tagumpay:
Una, ang pagdeklara ng Korte Suprema na labag sa Konstitusyon ang PDAF ng mga mambabatas at iligal ang lump-sum appropriation sa pondo ng gobyerno at absolutong kontrol ng Malakanyang sa paggamit nito ng Malampaya fund (na dapat ay inilalaan sa paglikha ng enerhiya at elektripikasyon ng bansa). Hindi pa nagtatapos ang laban. Tinanggal lamang ang “pork barrel” ng mga mambabatas ngunit nananatili ng presidential pork. Hindi pa rin nailalagay ang partisipasyon ng taumbayan sa pagbabadyet ng gobyerno. Ganunpaman, makasaysayan ang naging hatol ng Korte. Maari na itong gawing batayan sa lahat ng susunod na kaso tungkol sa kabuuang “pork barrel”. Ito ang bunga ng tuloy-tuloy na pagkilos ng taumbayan na nasimulan sa Million People March sa Luneta noong Agosto 26.
Ikalawa, ang pagbabalik sa mga tinanggal bilang regular ng mga empleyado ng Philippine Airlines, sa pamumuno ng PALEA. Palagiang kinampihan ng gobyerno – mula sa Malakanyang hanggang sa Court of Appeals – ang outsourcing ni Lucio Tan para mapalitan ng mga kaswal ang mga regular at durugin ang unyong PALEA. Sa loob ng dalawang taon, lumaban ang unyon – sa tulong at suporta ng kilusang mamamayan at kilusang paggawa. Nang ibenta ang PAL sa San Miguel group, unang pumostura laban sa reinstatement ang bagong management. Subalit hindi natinag ang unyon bagamat umabot na ng dalawang taon mula nang i-lockout ni Lucio Tan ang PAL. Noong Nobyembre 16, dahil sa pangangailangan din ng PAL ng mga manggagawang mas may kasanayan sa trabaho, pumayag ang bagong may-ari na bumalik bilang regular ang mga kasapi ng PALEA.
Mga kababayan! May pag-asa pa. Ang ating katubusan ay nasa ating mga kamay. Sa sama-samang pagkilos, naging iligal ang PDAF at nakabalik ang PALEA. Sa pagkakaisa’t pakikibaka, may lakas at tagumpay ang mamamayang Pilipino.
Mga kamanggagawa! Si Gat Andres ay manggagawa. Gaya rin nating sahurang alipin. Subalit pinangibabawan niya ang kahirapan. Nagkusang mag-aral at magtiyaga. Inisip ang kapakanan ng buong bayan, hindi lang ng sarili o sariling pamilya. Hanggang sa naging lider ng bayan. Sa okasyong ito ng ika-150 taon ng kapanganakan ni Bonifacio, tanggapin natin ang tungkuling pangunahan ang laban ng bayan sa elitista’t trapong paghahari. Higit sa anumang sektor sa lipunan, ang nagkakaisang pagkilos ng manggagawa, ng milyon-milyong walang pag-aari kundi ang kanilang lakas, talino at oras – ang siyang tunay na pag-asa ng bayan. Palpak na gobyerno, inutil na pangulo, itakwil!
BMP–PLM–SANLAKAS
Nobyembre 30, 2013
Miyerkules, Oktubre 30, 2013
Mabuhay ang ika-20 Anibersaryo ng Sanlakas!
Para sa istorya kung kailan isinilang ang Sanlakas, mangyaring basahin ito sa GreenLeft Weekly, dated November 17, 1993 sa kawing (link) na: http://www.greenleft.org.au/node/5163
Lunes, Setyembre 23, 2013
SANLAKAS at BMP sa CoA: Isiwalat lahat!
Joint Press Release
23 Setyembre 2013
Militante sa CoA: Isiwalat lahat!
Iginiit ng mga progresibong grupo sa Commission on Audit (CoA) na isiwalat sa publiko ang lahat ng audit reports nito at hindi lang yung paborable sa mga opisyal ng Palasyo. Sa partikular, hiling nila na isapubliko ang lahat ng report ng ahensya sa Priority Development Assistance Fund (PDAF) at pondo mula sa kinita sa Malampaya para sa taong 2010 hanggang 2012.
Ito matapos nagbigay ng testimonya sa Blue Ribbon Committee ng Senado ang pangunahing whistler-blower na si Benhur Luy na hanggang sa taong 2012 ay nagawa ni Janet Lim-Napoles at mga kasabwat nitong mga mambabatas na maglihis papunta sa kanilang mga bulsa ang mga alokasyong PDAF at pondong Malampaya at ang mga special na report ng CoA ay limitado lamang sa mga taong 2007 hanggang 2009, mga taong matapos kumalas sa koalisyon ng dating pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang Partido Liberal ni Pangulong Noynoy Aquino.
“Bilang pinakatapat na tagapagbayad ng buwis, hinihiling namin ang buong katotohanan. Pinagnakawan at niloloko ng paulit-ulit ang sambayanang Pilipino ng mga pulitikong nagpapanggap na mga lingkod-bayan, ngayon naman ay lalo pa kaming iinsultuhin nitong CoA sa pagkukubli nito ng katotohanan at ang linalabas lamang ay ang mga report na may basbas ng Palasyo,” ani Leody de Guzman, pambansang tagapangulo ng militanteng Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP).
Ayon sa mga raliyista, ang tanging motibo ng special audit report ng CoA sa PDAF at pondong Malampaya para sa taong 2007 hanggang 2009 ay para wasakin ang reputasyon ng nagdaang administrasyon na ang epekto naman nito ay pa-pogi sa kasalukuyang nakaupong Pangulo at hindi pa para bigyang hustisya ang taumbayang biktima ng pork barrel scam.
“Magsawa si Aquino kakasisi sa nagdaang rehimen ngunit hindi-hindi niya mapapahupa ang isang galit, mulat at palaban na mamamayan. Alam na ng lahat ng Pilipino na matagal nang mina-mastermnind ng mga nasa tuktok ng gobyerno ang korapsyon at nagaganap ito hanggang sa kasalukuyan. Sumabog na sa sariling mukha ni Aquino ang boladas niyang “tuwid na daan,” bintang ni de Guzman.
Samantala sinabi naman ni Aaron Pedrosa, tagapagsalita ng grupong Sanlakas na, “Sa panahon ng sigalot, kailangan ng taumbayan ng inspirasyon at integridad, kahit pa siya’y ni Aquino appointee, kailangan sagpangin ng Commissioner Grace Pulido-Tan ang hamon ng ating panahon; kailangan magsilbi sa masa ang CoA at hindi sa pampulitikang interes ng Partido Liberal.
Nangako ang mga grupo na maglulunsad pa ng iba’t-ibang pagkilos para patuloy na igiit ang pagsisiwalat ng lahat ng report hanggat hindi natitigil ang pagmamaniobra at pagiimpluwensiya ng Palasyo. Dagdag ni Pedrosa, “hanggang hindi nalalagpasan ang mga ‘to, hindi masisiwalat ang totoong kalagayang pampinansiya ng gobyerno ay sa huli’y, mananatiling biktima ng kawalan ng hustisya ang sambayanang Pilipino”.###
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)