Sabado, Oktubre 29, 2022
Sa ika-29 anibersaryo ng pagkakatatag ng Sanlakas
Linggo, Oktubre 16, 2022
Police, hands off journalists!
Pahayag sa Pandaigdigang Araw ng Pagkain
๐ฃ๐ฎ๐ต๐ฎ๐๐ฎ๐ด ๐๐ฎ ๐ฃ๐ฎ๐ป๐ฑ๐ฎ๐ถ๐ด๐ฑ๐ถ๐ด๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ฟ๐ฎ๐ ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฎ๐ด๐ธ๐ฎ๐ถ๐ป
๐๐๐ฅ๐๐ฃ๐๐ก ๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ฅ๐๐ฆ๐๐ฆ ๐๐ฎ ๐ฃ๐๐๐๐๐๐ก!
๐๐๐๐ฆ๐จ๐ฅ๐ ๐ฎ๐ป๐ด ๐๐๐๐๐ฅ๐๐๐๐ฆ๐๐ฆ๐ฌ๐ข๐ก ๐ป๐ด ๐๐๐ฅ๐๐๐จ๐๐ง๐จ๐ฅ๐!
๐๐ง๐๐๐จ๐ฌ๐ข๐ ๐ฎ๐ป๐ด ๐๐๐ฆ๐๐ฅ๐๐ก๐๐๐ก ๐ฆ๐ ๐ฃ๐๐๐๐๐๐ก!
Sa paggunita ng Pandaigdigang Araw ng Pagkain walang dapat ipagdiwang ang mga Pilipino kasama ang mahigit na 2 bilyong mamamayang dumaranas ng pagkagutom sa daigdig. Pangamba sa kinabukasan ang kinakaharap natin sa pagkain sa kasalukuyan. Mismo ang United Nation World Food Program ay nagsasabing limampu’t tatlong (53) bansa o teritoryo sa daigdig ngayon ang kumakaharap sa matinding kasalatan sa pagkain. Ang kalagayan ng pagkain ngayong 2022 ay itinuturing na pinakamalalang ulat sa kakapusan ng pagkain sa tatlong taong pag-uulat nito simula noong 2019. Bunsod ang kasalukuyang kalagayan ng magkakapatong na krisis na hatid ng mga kaguluhan, pang-ekonomyang krisis at matitinding kalamidad.
Ang krisis sa pagkain sa kasalukuyan ay isinasalarawan ng matinding pagtaas sa presyo ng mga pangunahing pagkain sa daigdig. Ayon sa World Bank, ang presyo ng trigo (wheat), mais (maize) at bigas (rice) ay walang kasingkatulad ang itinaas simula noong nakaraang taon. Ang mga nabanggit na produkto ay tumaas ng 20% (trigo), 28% (mais) at 8% (bigas) kumpara sa presyo nito noong Septyembre 2021 at tumaas naman ito sa 30% (trigo), 33% (mais) at 12% (bigas) kung ikukumpara naman sa presyo nito sa pandaigdigan noong Enero 2021. Sa pagtaas na ito ng mga pangunahing pagkaing kalakal hindi kata-taka kung bakit sumisirit din ang presyo ng tinapay, manok, karne, gulay at bigas sa mga pamilihan.
Sa unang SONA ni Pangulong Marcos Jr., makailang ulit nya itong binanggit at siyang dahilan kung bakit tinanganan nito ang pagiging Kalihim ng Agrikultura. Ngunit nakalulungkot sa kanyang 100-araw sa panunungkulan kapwa bilang Pangulo at Kalihim ng Kagarawan sa Agrikultura ay hindi natin nakita ang kaseryosohan nitong harapin ang problema sa produksyon ng pagkain sa bansa at maging sa sumisirit na presyo ng pagkain sa kasalukuyan. Sa pinakahuling datos ng Philippines Statistics Authority (PSA) ang kasalukuyang inflation sa bansa ay patuloy na sumisirit. Mula sa inflation rate noong June 2022 na 6.1% ngayong Septyemre ay sumirit na ito sa 6.9%. Ang presyo ng pagkain ang isa sa may pinakamalaking itinaas ang presyo sa kasalukuyan. Mula sa 6% food inflation noong June 2022, tumaas pa lalo ito sa 7.9% food inflation sa kasalukuyan. Taliwas sa mga ipinagyayabang ng mga matatalinong ekonomista ng rehimeng Marcos Jr., malayo pa sa paghupa ang pinapasan nating kalbaryo ng kahirapan at mataas na presyo ng pagkain sa madaling hinaharap.
Sa kabila ng ganitong kalagayan usad-pagong naman ang ayudang dapat ibigay sa mga lumilikha ng pagkain sa bansa. Ang P5,000 subsidyo sa bigas at P5,000 fuel subsidy para sa mga mangingisda ay hindi pa lubos na naipapamahagi sa mga maliliit na magsasaka at artisanong mangingisda sa bansa. Masaklap, pirmis pa rin ang rehimeng Marcos Jr. sa business-as-usual at palpak na neoliberal na istratehiya sa pagpapaunlad ng agrikultura at pagtitiyak sa seguridad sa pagkain.
Ang Liberalisasyon at Neoliberal na Patakaran ang SALOT sa Agrikultura at UGAT ng kakulangan ng pagkain sa bansa.
Bubulaga sa ating mga mukha at malulugmok sa matinding gutom ang ating bansa dahil patuloy na isinasandig ng gobyerno ang direksyon ng ating lokal na agrikultura sa mismong dahilan ng kanyang pagkalugmok at paghihingalo. Ang pagsandig ng gobyerno sa liberalisasyon ng agrikultura na siyang pumatay sa ating lokal na sakahan at pangisdaan ay siya ring inaasahan ng kasalukuyang gobyerno na magsasalba sa ating sa krisis sa pagkain. Malaking kahangalan ito. Hindi masusolusyunan ng liberalisasyon ang kasalatan natin at mataas na presyo ng pagkain dahil sa pandaigdigang pamilihan mismo ay sumisirit ang presyo ng pagkain. Kaya’t paano magagawang mura ang presyo ng pagkain kung ang mismong aangkatin nito ay abot-langit na ang halaga? Isama pa ang kasalukuyang pagbagsak ng piso laban sa dolyar na lalong magpapataas sa presyo ng pagkain, isang hangal lamang ang maniniwala na magagawa ng liberalisasyon – ng importasyon ng pagkain agrikultural, na mapababa ang presyo ng pagkain sa kasalukuyan. Kungnoong walang krisis ay hindi nagawa ng liberalisasyon na pababain at gawing mura ang pagkain at ang tanging napala natin ay ang pagkawasak ng ating sariling lokal na agrikulturang hindi makasabay sa kumpetisyon ng dumadagsang imported na subsidized na pagkain, ngayon pa kaya na ang buong daigdig ay nasa krisis sa pagkain.
Ang tunay na solusyon ay nasa direksyon ng KASARINLAN sa PAGKAIN at PAGKALINGA sa ating LOKAL na AGRIKULTURA.
Kung seryoso ang rehimeng Marcos Jr. na isalba ang bansa sa nagbabadyang krisis sa pagkain. Hindi liberalisasyon at iba pang Neoliberal na patakaran ang dapat tahakin ng agrikultura at bansa sa kasalukuyan. Sa halip, KASARINLAN sa PAGKAIN at TODO-TODONG suporta sa lokal na agrikultura laluna sa mga maliliit na magsasaka at artisanal na mangingisda ang dapat na unahin ng gobyerno sa halip na interes ng mga dambuhalang korporasyon.
###
๐๐ฉ๐ค ๐๐ฎ ๐จ๐๐ข๐-๐จ๐๐ข๐๐ฃ๐ ๐ฅ๐๐๐๐ฎ๐๐ ๐ฃ๐ ๐ผ๐ฃ๐๐๐๐ฃ ๐ฃ๐ ๐๐๐ฃ๐๐๐๐๐๐ฌ๐ ๐จ๐ ๐ผ๐๐ง๐๐ ๐ช๐ก๐ฉ๐ช๐ง๐ (๐ผ๐๐ผ), ๐ฝ๐ช๐ ๐ก๐ช๐ง๐๐ฃ ๐ฃ๐ ๐๐๐ฃ๐๐๐๐๐๐ฌ๐๐ฃ๐ ๐๐๐ก๐๐ฅ๐๐ฃ๐ค (๐ฝ๐๐), ๐๐๐ฃ๐ก๐๐ ๐๐จ ๐๐ฉ ๐๐๐ง๐ฉ๐๐๐ค ๐๐๐ ๐๐จ ๐ฃ๐ ๐๐๐จ๐ (๐๐๐) ๐ฃ๐๐๐ฎ๐ค๐ฃ๐ ๐๐๐ฃ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ฃ๐ ๐ผ๐ง๐๐ฌ ๐ฃ๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐ฃ.