Huwebes, Marso 13, 2014

Sanlakas, nagrali sa tanggapan ng Philex Mining Corp., nanawagang ibasura ang Mining Act of 1995

Marso 12, 2014 - Nagrali ang grupong Sanlakas sa harapan ng tanggapan ng Philex Mining Corporation sa #27 Brixton St., Brgy, Capitolio, Pasig City upang kondenahin ang 19 na taon ng disgrasya sa mamamayan dulot ng walang habas na pagmimina.  Ipinahayag pa ng Sanlakas, kasama ang Alyansa Tigil Mina (ATM), na dapat magkaroon ng katarungan ang mga biktima ng malawakang pagmimina at dapat nang palitan ang RA 7942 o Mining Act of 1995, at palitan ito ng AMMB (Alternative Mineral Resources Bill) na nakasalang ngayon sa Kongreso. (Ulat at litrato ni Greg Bituin Jr.)








Sabado, Marso 1, 2014

Ta Run Tado, QRF at LTFRB and Florida Bus, with Fr. Robert Reyes

QRF at LTFRB and Florida Bus, with Fr. Robert Reyes
re: Ta Run Tado, Feb. 28, 2014, from 10 am-11am

Nagsagawa ng maikling kilos-protesta ang grupong SANLAKAS, kasama si Fr. Robert Reyes, hinggil sa isyu ng Florida bus tragedy, sa harapan ng gate ng tanggapan ng LTFRB (Land Transportation Franchising and Regulatory Board). Tinawag nila itong TA RUN TADO, na ibig sabihin ay Tara na, Run for TADO. Mula sa LTFRB ay dinaanan din nila at nagsalita si Fr. Robert sa Victory Liner sa EDSA, at sa JAC Liner. Ipinahayag ni Fr. Robert na sana'y pangalagaan ng mga naturang bus ang mga pasahero nito, at huwag sanang matulad sa nangyari sa Florida bus. Nagtapos ang kanilang programa sa harapan ng sarado nang terminal ng Florida Bus sa EDSA. (Ulat at mga litratong kuha ni Greg Bituin Jr.)