Sabado, Nobyembre 30, 2013

Mensahe sa ika-150 Kaarawan ni Gat Andres Bonifacio

Sa ika-150 taon ng kapanganakan ni Gat Andres Bonifacio:
MAY PAG-ASA
Laban sa Inutil na Pangulo at Palpak na Elitistang Gobyerno

MAYPAGASA. Ito ang alyas o koda noon ni Andres Bonifacio, supremo ng Katipunan at lider-manggagawang namuno sa laban ng bayan sa kolonyalismong Espanyol. 

Isa’t kalahating siglo na mula nang isilang si “Maypag-asa” – ang dapat tanghaling unang pangulo ng republika ng Pilipinas. Ngunit napapanahon pa ring tanungin ng bawat Pilipino: “May pag-asa pa ba ang ating Inang Bayan”? 

Makabuluhan ang tanong na ito laluna sa panahong tayo ay humaharap sa kaliwa’t kanang mga pagsubok bunga ng kalamidad at mga kontrobersyang pampulitika. Laluna sa yugtong ito na tila nalulukuban ang buong bansa ng kawalang pag-asa.

Tahasan nating idinedeklara: “May pag-asa pa!” Subalit hindi ito grasyang magmumula “sa itaas”. Hindi ito manggagaling sa mga elitistang may-kontrol sa ating ekonomiya’t pulitika. Hindi magsisimula sa matataas na mga opisyal ng gobyerno na sinasamantala ang mismong kahirapan at pagdarahop ng masang Pilipino. 

Bakit? Dahil sa sumusunod na kadahilanan:

Ang gobyernong ito ay para sa mababang pasahod. Tuwi-tuwinang sagot ng rehimeng Aquino sa ating kahilingan para sa dagdag na sahod ay ang pagsasara ng mga pabrika at pagbabawas ng mga trabahador. Imbes na sundin ang Konstitusyunal na probisyon ukol sa living wage (o sahod na makabubuhay ng pamilya), ang gobyerno mismo ang tumatayong tagapagsalita ng blakmeyl ng mga kapitlalista para manatili ang mababang pasahod. Sa Enero 2014, itataas pa nito ang kaltas para sa Social Security System at Philhealth. Liliit lalo ang take-home pay ng mga manggagawa! Ang Wage Order 18 ang pinakamaliit na kautusan sa buong kasaysayan ng NCR wage board.

Ang gobyernong Aquino ay para sa kontraktwalisasyon. Sa kaso ng kontraktwalisasyon sa Philippine Airlines nang tangkain ni Lucio Tan (dating may-ari ng PAL) na alisin ang mga regular at palitan sila ng mga kontraktwal na empleyado sa pamamagitan ng outsourcing ng ilang departamento ng kompanya, kumampi ang Malakanyang sa katuwiran ni Tan. Gumawa ito ng bagong kategoryang “core” at “non-core” na hindi nakasaad sa Labor Code.

Ang gobyernong Aquino ay para sa demolisyon ng komunidad ng mga maralita. Walang habas ang demolisyon sa mga “informal settlers” sa mga punong lungsod. Diumano, ito ay para daw iligtas sila sa mga “danger zone”. Subalit mas masahol naman ang kanilang nililipatan sa mga relokasyon sapagkat bukod sa wala o kulang sa batayang mga serbisyo ay malayo pa sa kanilang mga trabaho. Ang mas hinahabol ng gobyerno ay pagwawalis sa mga maralita upang tumaas ang land value sa lungsod para sa mga real estate developer gaya nina Henry Sy, Zobel de Ayala, mga Gokongwei, Lucio Tan at Andrew Tan. 

Ang gobyernong Aquino ay para sa mataas na presyo ng langis. Nang uminit ang protesta laban sa oil deregulation kasabay ng pagsirit ng presyo ng krudo sa $100 kada bariles noong 2012, nagpatawag ng rebyu ang Department of Energy. Pero imbes na aralin kung paano manunumbalik sa “regulated oil industry”, tutuklasin pa raw ang epekto ng deregulasyon sa presyo ng langis. Bagamat maliwanag pa sa sikat ng araw na ang kawalang kontrol sa presyo ang siyang dahilan ng walang tigil na pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo! Ang totoo, mas pinapaboran ng gobyerno ang mahal na presyo ng langis sapagkat mas tumataas din ang kanilang nakokolektang VAT bunga ng pagtaas nito! 

Ang gobyernong Aquino ay para sa mataas na singil sa serbisyo publiko. Hindi pinipigilan ang pribatisasyon ng mga dating sineserbisyo ng gobyerno gaya ng kalusugan, edukasyon, pabahay, pangmasang transportasyon gaya ng tren, atbp. Pinalitan lamang ng pangalan – tinaguriang private-public partnership (PPP) – ngunit iisa ang resulta: pagtutubuan ng mga kapitalista ang serbisyong panlipunan. Ilang halimbawa ng epekto nito ay ang napipintong pagtaas sa pasahe ng LRT at MRT, pagtataas sa toll fee sa NLEX, SLEX at iba pang tollway, at pagsasapribado ng mga pampublikong ospital.

Ang gobyernong Aquino ay para sa malalaking kapitalista. Sa nakaraang SONA, ipinagmalaki ni Noynoy ang “inclusive growth”. Aniya ang nais raw ng rehimen ay pag-unlad na para sa lahat ng Pilipino. Subalit sino lamang ang nakinabang sa ipinagmamalaking GNP/GDP growth? Ang pinakamayamang 40 pamilya na lumago ang yaman ng 37.9% noong 2011. 

Ang gobyernong Aquino ay para sa political dynasty. Ang mismong pangulo ay nagmula sa pampulitikang angkan. Ito ang mga pamilyang nagpapasasa sa kaban ng bayan at hindi inuuna ang kapakanan ng nakararami at ang totoong pambansang pag-unlad. Hanggang ngayon, hindi pa rin naisasabatas ang enabling law sa Konstitusyonal na probisyon laban sa mga political dynasty. 

Ang gobyernong Aquino ay para sa pork barrel. Naluklok sa poder si Noynoy at partido Liberal sa islogang “kung walang korap, walang mahirap” at “daang matuwid”. Pero hindi niya tinanggal (bagkus ay dinoble pa nga!) ang PDAF ng mambabatas na matagal nang pinupuna bilang isa sa mga mekanismo ng korapsyon sa bansa. Bukod sa PDAF, mayroong P1.3 Trilyon na presidential pork na ginagamit – hindi sa lahatang-panig na pag-unlad – kundi sa pagpapanatili ng “utang na loob” ng mga lokal na opisyal at kanilang mga botante. 

AT HIGIT SA LAHAT, ang gobyernong Aquino ay palpak sa pagtulong sa mga nasalanta ng kalamidad. Ang sunod-sunod na kalamidad sa Visayas – mula sa lindol hanggang sa kamakailan lang na bagyong Yolanda – ang nagbulgar sa kapalpakan ng elitistang paghahari. Lumipas muna ang isang linggo bago opisyal na nasimulan ang pag-ayuda ng gobyerno sa Leyte’t Samar, partikular sa Tacloban. Ito ang INUTIL na administrasyong mas inuuna ang imahe bago ang pagtulong sa taumbayan. Hanggang ngayon, maraming lugar pa rin ang hindi nakakatanggap ng tulong mula sa gobyerno. 

Kung wala sa inutil na pangulo at elitistang gobyerno, nasaan matatagpuan ang pag-asa ng bayan? Nasa taumbayan mismo. Nasa ating sama-samang pagkilos. Nasa ating kapatiran at pagdadamayan. Nasa ating pagkakaisa’t paglaban. Makikita ito sa pagtulong ng milyon-milyong ordinaryong mamamayang hindi na naghintay sa anumang anunsyo ng gobyerno ngunit agad na tumulong sa mga nasalanta ng nakaraang mga sakuna. 

Mas pa, sapagkat ang sama-samang pagkilos “mula sa ibaba” ay nagkamit, kamakailan lang, ng sumusunod na mga tagumpay: 

Una, ang pagdeklara ng Korte Suprema na labag sa Konstitusyon ang PDAF ng mga mambabatas at iligal ang lump-sum appropriation sa pondo ng gobyerno at absolutong kontrol ng Malakanyang sa paggamit nito ng Malampaya fund (na dapat ay inilalaan sa paglikha ng enerhiya at elektripikasyon ng bansa). Hindi pa nagtatapos ang laban. Tinanggal lamang ang “pork barrel” ng mga mambabatas ngunit nananatili ng presidential pork. Hindi pa rin nailalagay ang partisipasyon ng taumbayan sa pagbabadyet ng gobyerno. Ganunpaman, makasaysayan ang naging hatol ng Korte. Maari na itong gawing batayan sa lahat ng susunod na kaso tungkol sa kabuuang “pork barrel”. Ito ang bunga ng tuloy-tuloy na pagkilos ng taumbayan na nasimulan sa Million People March sa Luneta noong Agosto 26.

Ikalawa, ang pagbabalik sa mga tinanggal bilang regular ng mga empleyado ng Philippine Airlines, sa pamumuno ng PALEA. Palagiang kinampihan ng gobyerno – mula sa Malakanyang hanggang sa Court of Appeals – ang outsourcing ni Lucio Tan para mapalitan ng mga kaswal ang mga regular at durugin ang unyong PALEA. Sa loob ng dalawang taon, lumaban ang unyon – sa tulong at suporta ng kilusang mamamayan at kilusang paggawa. Nang ibenta ang PAL sa San Miguel group, unang pumostura laban sa reinstatement ang bagong management. Subalit hindi natinag ang unyon bagamat umabot na ng dalawang taon mula nang i-lockout ni Lucio Tan ang PAL. Noong Nobyembre 16, dahil sa pangangailangan din ng PAL ng mga manggagawang mas may kasanayan sa trabaho, pumayag ang bagong may-ari na bumalik bilang regular ang mga kasapi ng PALEA.

Mga kababayan! May pag-asa pa. Ang ating katubusan ay nasa ating mga kamay. Sa sama-samang pagkilos, naging iligal ang PDAF at nakabalik ang PALEA. Sa pagkakaisa’t pakikibaka, may lakas at tagumpay ang mamamayang Pilipino. 

Mga kamanggagawa! Si Gat Andres ay manggagawa. Gaya rin nating sahurang alipin. Subalit pinangibabawan niya ang kahirapan. Nagkusang mag-aral at magtiyaga. Inisip ang kapakanan ng buong bayan, hindi lang ng sarili o sariling pamilya. Hanggang sa naging lider ng bayan. Sa okasyong ito ng ika-150 taon ng kapanganakan ni Bonifacio, tanggapin natin ang tungkuling pangunahan ang laban ng bayan sa elitista’t trapong paghahari. Higit sa anumang sektor sa lipunan, ang nagkakaisang pagkilos ng manggagawa, ng milyon-milyong walang pag-aari kundi ang kanilang lakas, talino at oras – ang siyang tunay na pag-asa ng bayan. Palpak na gobyerno, inutil na pangulo, itakwil! 

BMP–PLM–SANLAKAS
Nobyembre 30, 2013

Miyerkules, Oktubre 30, 2013

Mabuhay ang ika-20 Anibersaryo ng Sanlakas!














Para sa istorya kung kailan isinilang ang Sanlakas, mangyaring basahin ito sa GreenLeft Weekly, dated November 17, 1993 sa kawing (link) na: http://www.greenleft.org.au/node/5163

Lunes, Setyembre 23, 2013

SANLAKAS at BMP sa CoA: Isiwalat lahat!

Joint Press Release
23 Setyembre 2013

Militante sa CoA: Isiwalat lahat! 

Iginiit ng mga progresibong grupo sa Commission on Audit (CoA) na isiwalat sa publiko ang lahat ng audit reports nito at hindi lang yung paborable sa mga opisyal ng Palasyo. Sa partikular, hiling nila na isapubliko ang lahat ng report ng ahensya sa Priority Development Assistance Fund (PDAF) at pondo mula sa kinita sa Malampaya para sa taong 2010 hanggang 2012.

Ito matapos nagbigay ng testimonya sa Blue Ribbon Committee ng Senado ang pangunahing whistler-blower na si Benhur Luy na hanggang sa taong 2012 ay nagawa ni Janet Lim-Napoles at mga kasabwat nitong mga mambabatas na maglihis papunta sa kanilang mga bulsa ang mga alokasyong PDAF at pondong Malampaya at ang mga special na report ng CoA ay limitado lamang sa mga taong 2007 hanggang 2009, mga taong matapos kumalas sa koalisyon ng dating pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang Partido Liberal ni Pangulong Noynoy Aquino. 

“Bilang pinakatapat na tagapagbayad ng buwis, hinihiling namin ang buong katotohanan. Pinagnakawan at niloloko ng paulit-ulit ang sambayanang Pilipino ng mga pulitikong nagpapanggap na mga lingkod-bayan, ngayon naman ay lalo pa kaming iinsultuhin nitong CoA sa pagkukubli nito ng katotohanan at ang linalabas lamang ay ang mga report na may basbas ng Palasyo,” ani Leody de Guzman, pambansang tagapangulo ng militanteng Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP).

Ayon sa mga raliyista, ang tanging motibo ng special audit report ng CoA sa PDAF at pondong Malampaya para sa taong 2007 hanggang 2009 ay para wasakin ang reputasyon ng nagdaang administrasyon na ang epekto naman nito ay pa-pogi sa kasalukuyang nakaupong Pangulo at hindi pa para bigyang hustisya ang taumbayang biktima ng pork barrel scam.

“Magsawa si Aquino kakasisi sa nagdaang rehimen ngunit hindi-hindi niya mapapahupa ang isang galit, mulat at palaban na mamamayan. Alam na ng lahat ng Pilipino na matagal nang mina-mastermnind ng mga nasa tuktok ng gobyerno ang korapsyon at nagaganap ito hanggang sa kasalukuyan. Sumabog na sa sariling mukha ni Aquino ang boladas niyang “tuwid na daan,” bintang ni de Guzman. 

Samantala sinabi naman ni Aaron Pedrosa, tagapagsalita ng grupong Sanlakas na, “Sa panahon ng sigalot, kailangan ng taumbayan ng inspirasyon at integridad, kahit pa siya’y ni Aquino appointee, kailangan sagpangin ng Commissioner Grace Pulido-Tan ang hamon ng ating panahon; kailangan magsilbi sa masa ang CoA at hindi sa pampulitikang interes ng Partido Liberal. 

Nangako ang mga grupo na maglulunsad pa ng iba’t-ibang pagkilos para patuloy na igiit ang pagsisiwalat ng lahat ng report hanggat hindi natitigil ang pagmamaniobra at pagiimpluwensiya ng Palasyo. Dagdag ni Pedrosa, “hanggang hindi nalalagpasan ang mga ‘to, hindi masisiwalat ang totoong kalagayang pampinansiya ng gobyerno ay sa huli’y, mananatiling biktima ng kawalan ng hustisya ang sambayanang Pilipino”.### 

SANLAKAS and BMP demand CoA to disclose all audit reports

Joint Press Release
23 September 2013

Groups demand CoA to disclose all audit reports, 
Says Filipinos deserve the truth

Progressive groups urged the Commission on Audit (CoA) to divulge to the public all audit reports and not only those favorable to Palace officials. The activists in particular, demanded the full disclosure of the audit reports of the Priority Development Assistance Fund (PDAF) and the Malampaya Fund for the fiscal years of 2010 to 2012.

This after state primary whistle-blower Benhur Luy testified before the Senate Blue Ribbon committee that Janet Lim-Napoles and cohorts siphoned PDAF allocations and Malampaya funds up to 2012 and the agency’s special reports on the PDAF and Malampaya fund are limited to 2007 up to 2009, the years following the breakaway of the Liberal Party from the ruling coalition of then President Gloria Macapagal-Arroyo.

“As the most consistent taxpayers, the workers demand the truth, we deserve the truth. The Filipino nation has already been robbed and duped by numerous politicians posing as public servants and now, the CoA is literally adding insult to injury by concealing the truth and presenting only audit reports that have Malacanang’s blessing.” said Leody de Guzman, national chairperson of the militant Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP).

The protestors allege that the motive for the special audit report of the CoA on the PDAF and Malampaya Fund for the years 2007 to 2009 was to discredit the past administration and in effect will lead to the added credibility of the sitting President and not to serve justice to the indignant nation. 

“Aquino may play the blame game all he wants but he can never pacify an enlightened and vigilant people. All Filipinos know that corrupt practices have long been masterminded by those in the highest echelons of power and even up to the present regime. His daang matuwid rhetoric has imploded and reared its ugly head,” de Guzman charged.

Meanwhile Sanlakas spokesperson, Aaron Pedrosa said that, “In this period of turmoil the Filipino nation need a beacon of light that will dispel all uncertainty and exhibit integrity. Despite being an Aquino appointee, Commissioner Grace Pulido-Tan must accept the challenge of our times; the agency must genuinely serve the people and not the political interests of those in the Liberal Party. 

The groups vowed to sustain public pressure on the audit agency until all doubts of political maneuverings and undue influences are extinguished. Pedrosa added that, “not unless such obstacles are conquered, full disclosure of all government revenue and expenditure will never be achieved and our people denied of justice once again”.###

Huwebes, Setyembre 12, 2013

PR - Progresibong grupo: Ikulong silang lahat!









Joint Press Release
11 Setyembre 2013

Progresibong grupo: Ikulong silang lahat!

NAKIISA sa libong-libong galit na Pilipino ang mga progresibong organisasyong Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP), Sanlakas at ang Kongreso ng Pagkakaisa ng Maralitang Lungsod (KPML) sa tuloy-tuloy na nalalantad na sampung bilyong pisong pork barrel scam na kung saan sangkot si Janet Lim-Napoles at ilang mga Senador at Kongresista. 

Hiniling ng mga progresibo na ipakulong ang lahat ng mga nasasangkot batay sa testimonya ng mga lumutang na whistleblower at ang special audit report ng Commission on Audit. Idinamay na rin nila ang lahat ng mga patuloy na nagtatanggol sa bulok ng sistemang pork barrel. 

Naniniwala ang BMP na bulok hanggang sa kaibuturan ang buong kasalukuyang sistemang pampulitika sa bansa. Ang lahat ng mga senador at kongresistang nakipagkuntsabahan sa mga opisyal sa sangay ng Ehekutibo para mapasakanila ang pondo ng mamamayan ay nagkasala ng sistematikong pandarambong at pagsasakatuparan ng sistemang TRAPO na nagbunga ng patronage politics, pampulitikang dinastiya at naglalako ng impluwensiya sa mga polisiya para sa pansariling interes. 

“Ang pulitikang TRAPO ang siyang dahilan para nagpatuloy at lumala pa ang pandarambong sa kaban ng bayan habang ang malawak na anakpawis ay pinanatiling baon sa kahirapan at kapighatian. Sobra na ang TRAPO, sobra na ang sistema nila! Kailangan nang palaganapin ang mga protesta tungo sa makabuluhang pagbabago ng sistema, sabi ni Leody de Guzman, ang Pambansang Tagapangulo ng BMP. 

“Ang pagkakadawit ng ilang opisyal ng mga Kagawaran ng Agrikulura at Budget at Management at mga ahensyang nagpapatupad ng mga proyektong nagmula sa Priority Development Assistance Fund gaya ng National Agribusiness Corporation sa ilalim ng Ehekutibo ay nagpapakita lamang na nangaanak ang sistemang ito ng isang gobyernong nagkaka-anyo ng isang “ligal” at organisadong sindikato na ang modus operandi ay pagnakawan ang mamamayan ng kanilang karapatan sa isang desenteng buhay. Kailangan mabulok silang lahat sa bilangguan,” dagdag ni De Guzman. 

Justice delayed is justice denied

“Ngayon na nakapiit si Napoles at naghihintay ng kanyang paglilitis sa mga kasong sibil at kriminal, sana’y bumilis ang gulong ng hustisya at mapahirapan siya ng husto sa bawat sentimong ninakaw niya,” sabi naman ni Anthony Barnedo, Pangkalahatang Kalihim ng KPML sa National Capital Region at Rizal. 

Dinagdag din agad ni Barnedo na, “Bagamat nalulungkot kami na eksaktong dalawang linggo na ang nagdaan mula nang sumuko si Napoles kay Pangulong Aquino ay walang kahit isang naisasampang kaso ang Department of Justice at Philippine National Police laban sa kanya na may kaugnayan sa mahigit sampung bilyong pisong pork barrel scam”. 

Nangako ang mga organisasyon na ipagpapatuloy nila na itaas ang antas ng mga protesta na siyang magpapalakas sa loob ng taumbayan na sumanib sa nabubuong kilusang masa hangga’t hindi nawawakasan ang sistemang pork barrel sa bansa at hindi napaparusahan ang mga mandarambong.###

PR - Progressive groups: Jail ‘em all!





Joint Press Release 
11 September 2013

Progressive groups: Jail ‘em all!

PROGRESSIVE organizations Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP), Sanlakas and the Kongreso ng Pagkakaisa ng Maralitang Lungsod (KPML) today joined thousands of Filipinos angered by the unfolding 10 billion peso pork barrel scam involving Janet Lim-Napoles and several senators and congressmen.

The progressives demanded to imprison all those implicated in the testimonies of the whistleblowers and the special audit report of the Commission on Audit and those who continue to defend the graft-riddled pork barrel system. 

The BMP believes that the entire current political system is rotten to the very core. Every Senator and Congressman who connived with officials of the Executive branch to siphon peoples’ funds in order to fatten their bank accounts are guilty of systematic plunder and of perpetrating the TRAPO system that engenders patronage politics, political dynasties, and influence peddling in policy and legislation for partisan interests.

“It is TRAPO politics in turn that has allowed the continued and unmitigated plunder of the coffers of the Filipino people while the large majority of the toiling masses have been kept in poverty and misery. Enough with TRAPO politics! We must carry forward the momentum of the people’s protests and actions towards a system overhaul,” said BMP Chairperson Leody de Guzman.

“The implication of certain officials in the Departments of Agriculture, Budget and Management and other implementing agencies such as the National Agribusiness Corporation under the Executive branch shows that this system has bred an organized mafia that conspired to rob hardworking Filipinos of a decent life. They must all languish in prison,” de Guzman added.

Justice delayed is justice denied

“Now, that Janet Lim-Napoles is detained and awaiting trial for her various civil and criminal cases, may the wheels of justice turn swiftly but grind exceedingly fine for every centavo siphoned to her bank accounts,” said Anthony Barnedo, regional Secretary-General of KPML National Capital Region and Rizal chapter. 

Barnedo was also quick to add that, “Though it is also lamentable that exactly two weeks today since her supposed surrender to President Aquino, the Department of Justice and the Philippine National Police has not filed a single case out of the more than 10 billion peso pork barrel scam”. 

The progressive organizations vowed to continue to escalate protest actions that will embolden the masses to join together with the emerging mass movement until the entire pork barrel system is abolished and all the plunderers are in prison.###

Lunes, Mayo 6, 2013

What we stand for - The SANLAKAS Partylist Legislative Agenda

What we stand for
The SANLAKAS Partylist Legislative Agenda
Aaron Pedrosa
3rd Nominee, SANLAKAS Partylist

When SANLAKAS pursued electoral engagement the first time the partylist system of representation was adopted in Congress in 1998, it carried with it that singular collective vision it shared with the underrepresented basic masses. – that is widening democratic spaces for direct intervention, participation and articulation of the ordinary pedestrian’s sentiments in the established reins of power.

SANLAKAS continues to believe in exhausting all arenas of struggle to organize and represent the sovereign interests of the masses, of the working people and “invisible” sectors of society, across a broad range of issues that to this day have taken backseat to the political platform being advanced by mainstream, traditional political actors – their platform being entrenching and fortifying a system that worries less and less about how government should play a central and proactive role in helping those who have less in life meet the fundamental necessities dictated by everyday life – a platform that demands for less of government at a time when people are waging their battles against poverty, unemployment, deprivation and injustice – the social milieu which defines the prevailing condition of avast majority of our people.

By engaging parliament, so to speak, SANLAKAS hopes to present an antithetical paradigm – an antithesis to a development model that is oblivious to the plight of the people, one that puts people precisely in the heart of the so-called development.

To complement the grassroots organizing, a tradition and continuing narrative that SANLAKAS has built on for two decades now, SANLAKAS once again dares to present its critical analysis of plaguing and burning issues and translate this into concrete, well-meaning measures and tangible actions through legislation – to breathe life into the lofty ideal of a hayahay na bukas, bring it from the discursive realm down to laws of relevant application.

SANLAKAS has drawn up a 14-point program which essentially captures the vision of a hayahay na bukas:

· It is time to make housing cheap and accessible to all, to ensure Filipinos roofs on their head, of decent houses they can rightfully call home.

· It is time to curb unemployment and underemployment and reverse the government’s standing labor export policy by creating jobs at home and ensuring protection to our labor force overseas; to uphold workers’ right to security of tenure.

· It is time to afford justice to the backbreaking labor exerted by our workers by guaranteeing them with a living wage as against the standing cheap labor policy punctuated by unrealistic and uncompetitive wage levels.

· It is time to uphold education and health as primordial human rights starting off with appropriate and responsive financing in accordance not only with international treatises but as mandated by our Constitution.

· It is time to ensure food on the table, thrice a day; for government to feed a large section of its famished, malnourished and undernourished population by investing in our agricultural sector, by empowering our fisherfolks and farmers, by providing ample support to those who tend the fields and brave the seas for our nourishment.

· It is time to bring down the cost of electric power, of dismantling the private oligopoly that bleeds families of potential savings, of tapping into clean, safe and renewable energy sources based on the actual power requirements of the people and sustainable development and not of corporate expansionism.

· It is time to regulate oil prices and insulate consumers from market volatility, of ending a liberalized regime which allows oil companies to whimsically hike pump prices, unchecked and unregulated.

· It is time to empower citizens with information by pushing for greater accountability from public servants through proper disclosure of their assets and liabilities, of their dealings and transactions,of contracts entered into in the name of the people.

· It is time to rationalize our fiscal policies, of addressing the debt problem that would result in our liberation from the debt bondage, of ultimately repudiating illegitimate debts and holding those who wantonly benefitted from this indebtedness to account.

· It is time to strengthen the promotion, respect and defense of human rights by putting teeth on existing human rights mechanisms and removing existing structures and policies which undermine our human rights effort.

· It is time to institutionalize climate justice as a policy framework, a lens from which all foreign relations and trade arrangements should be anchored, to stand up for community resiliency in the face of climate change, of facilitating the transition to a low carbon economy without compromising the integrity of the environment.

· It is time to say no to unfair multilateral and bilateral trade and foreign policy arrangements that relegate our sovereignty into the periphery of negotiations and external linkages, of making our government work for our people and not allow our sovereign will to play second fiddle to impositions from so-called allies and trade partners.

This is our collective vision. This is what we stand for. And if you believe that it is high time to realizethis vision, if you believe in this vision of a hayahay na bukas, then indeed, it is time to get SANLAKAS back toCongress!

Thank you and padayon!