PARA SA KONGRESO 2011 NG ZOTO
24 Setyembre 2011
Buong
pagpupugay na ipinaaabot ng Sanlakas ang pinakamainit na pagbati ng
progresibo demokratikong pagkakaisa sa lahat ng ating mga kasama at
kasaping samahan ng Zone One Tondo Organization (ZOTO) sa
di-malilimutang okasyon ng inyong Kongreso 2011!
Ang
inyong Kongreso ngayon at ang masigla't aktibong partisipasyon ng
inyong mga kasapi at lider ay matatag na patunay na ang ZOTO ay
nananatiling isa sa mga ilang tumagal na organisasyon sa kasaysayan ng
Pilipinas. Ang inyong patuloy na kasaysayan ng mga matitinding
pakikibakang masa para sa tunay na panlipunang pagpapalaya ng
pinagsasamantalahan at inaaping maralita ng lungsod sa higit sa apat na
dekada ay malinaw na isang inspirasyon para sa malawak na progresibong
kilusan ng masa hanggang ngayon.
Ang
inyong mga pakikibakang masa noon pa man sa tabing-dagat ng Tondo para
sa katarungang panlipunan, demokrasya at tunay na progreso sa panahon ng
Unang Sigwa ay isang matinding tagumpay para sa mga maralita ng
lungsod. Nangyari ito noong lumitaw pasista diktadurang Marcos ay
nagsisimula nang supilin ang batayang masa. Gayunpaman, ang inyong mga
militanteng paglutas upang manalo ay tiyak na mananatiling isang
nakakaantig na halimbawa ng kung anong magagawa ng malawak na uring
manggagawa at makakamit sa pamamagitan ng nagkakaisang paglaban bilang
isang solong kilusan para sa tunay na panlipunang pagbabago.
Sa
nakalipas na apatnapung taon, at lalo na sa mga nakaraang dekada ng
militanteng mga pakikibaka ng masa laban sa mga reaksyonaryong patakaran
ng estado ng rehimeng Gloria Macapagal-Arroyo, nanatiling nasa unahan
ang ZOTO sa progresibong kilusan ng masa. Sa inyong sektoral at
pangkomunidad na pamumuno, muling pinakikita ng ZOTO ang mahigpit nitong
tangan sa prinsipyo at kolektibong paglaban upang tutulan at itigil ang
anti-mahihirap at anti-demokratikong direksyon ng rehimeng GMA, sa
lokal at pambansang arena ng pakikibaka.
At
kahit ngayon, na may pro-elite at anti-masang karakter at tendensiya ng
kasalukuyang rehimeng PNoy, ang progresibong kilusan ng masa sa
Pilipinas ay hindi maaaring pumayag na magsawalang-kibo na lamang, kahit
na para sa isang sandali. Sa kasalukuyan at pagbabago-bago ng
pambansang kalagayan, at higit pa sa pulitikal na panahong daratal, ang
batayang masa, lalo na tayong mga organisadong pwersa ay dapat patuloy
na patindihin ang ating kolektibo't demokratikong tungkulin upang bumuo
ng mataas na organisado at epektibong malalakas at banat na
organisasyong masa. Tiyak na ang may kamalayan at nagkakaisang kilusang
masa lamang ang mangunguna para sa isang mahalaga at matagumpay na
sistematikong pagbabago ng lipunang Pilipino sahinaharap.
Kung
gayon, kami sa SANLAKAS ay patuloy na kikilalanin ang natatanging ambag
ng ZOTO sa ating pangkalahatang layunin. Ganap naming minamahalaga ang
matiyagaat patuloy nitong pag-oorganisa - ang pagsisikap sa gawaing
pagpapalawak at pagkokonsolida - upang mabigyang kapangyarihan ang
masang maralita. Ito'y inyong isinasagawa sa pamamagitan ng pagbibigay
ng pag-aaral, pag-oorganisa at pagmomobilisa ng mga walang
kapangyarihang mayorya ng lipunan. Ito ang mga nagawa ng inyong
organisasyon mula pa noong 1970, at itong inyong patuloy na paninindigan
ay inaasahan naming inyong ipagpapatuloy hanggang sa ang tunay na
panlipunang kalayaan ay makamit ng sambayanan.
IPAGPATULOY ANG PAKIKIBAKA PARA SA TUNAY NA PANLIPUNANG PAGBABAGO!
PATULOY NA ISULONG ANG PAGPAPALAYA NG MGA MARALITA!
MABUHAY ANG ZONE-ONE TONDO ORGANIZATION!
SANLAKAS SOLIDARITY MESSAGE
FOR THE 2011 ZOTO CONGRESS
24 September 2011
SANLAKAS
proudly extends its warmest greetings of progressive democratic
solidarity to all our kasamas and member-organizations of the Zone-One
Tondo Organization (ZOTO) on this memorable occasion of your 2011
Congress!
Your
Congress today and the vibrantly active participation of your members
and leaders is solid proof that ZOTO remains one of the very few
surviving and historic people’s organizations in the Philippines. Your
continuing story of hard-fought mass struggles for the genuine social
liberation of the exploited and oppressed urban poor after more than
four decades is clearly an inspiring story for the broad progressive
mass movement until now.
Your
earliest mass struggles in the Tondo Foreshore area for social justice,
democracy and true progress during the First Quarter Storm period was a
smashing success for the urban poor. This happened at a time when the
still-emergent fascist Marcos Dictatorship was just beginning to repress
the basic masses. However, your militant resolve to win certainly
remains a rousing example of what the broad working-class masses can
and, still achieve through united fight-backs as one single movement for
real social change.
Over
the past forty-years, and especially in the past decade of militant
mass battles against the reactionary state policies of the Gloria
Macapagal-Arroyo Regime, ZOTO remained in the frontline of the
progressive mass movement. With your sectoral and community-oriented
leadership, ZOTO once again showed its firmest and principled courage in
our collective resistance to oppose and stop the GMA Regime’s anti-poor
and anti-democratic direction, both in the local and national arenas of
struggle.
And
even now, with the current PNoy Regime’s pro-elite and anti-masses
character and tendency, the Philippine progressive mass movement cannot
allow its guard down at all, even for a single moment. In the presently
(and still) shifting national situation, and more so in the political
period ahead, the basic masses, and especially all of us in the
organized forces must continue to intensify our collective democratic
duty to build highly organized and effectively strong and resilient mass
organizations. Definitely and for sure, only a conscious and unified
mass movement can become the spearhead for an urgent and triumphant
systemic change in Philippine society in the future.
It
is in this regard, therefore, that we in SANLAKAS continue to recognize
ZOTO’s unique and unqualified contributions to our common general
cause. We fully value ZOTO’s persistent and consistent
organizing—through both your expansion and consolidation work efforts—to
help empower the poor masses. This you do primarily through educating,
organizing and mobilizing the disempowered social majority. This is
what you have organizationally accomplished since 1970, and it is this
resolute commitment of yours which we wish you will continue to carry
out until real social liberation is achieved for our people.
CONTINUE THE STRUGGLE FOR GENUINE SOCIAL CHANGE!
ALWAYS ADVANCE THE LIBERATION OF THE POOR!
MABUHAY ANG ZONE-ONE TONDO ORGANIZATION!